Nickname: Paco Name: Philip Joel Lape Evangelista Birthplace: General Santos City Age: 26 years old Birthdate: July 28, 1985 Hobbies: film makingFavorite Food: pasta Favorite Show: So You Think You Can Dance, Cedie Ang
Munting Prinsipe, Boston Legal Favorite Actress: Natalie Portman, Meryl Streep,
Cristine Reyes, Alessandra de Rossi, Eugene Domingo Favorite Singer: Sting, Parokya ni Edgar, Eraserheads,
Wolfgang, Jon Mayer, Urbandub
Isang theater actor, graphic designer at law student: ito si
Paco, ang Hopeless Romantic ng Gen San.
I want to find myself.”
‘Yan ang priority ni Paco sa pagpasok ng bahay ni
Kuya. Napansin niya kasi na lahat ng pumasok sa PBB, may sinasabing pagbabago
sa sarili at sa buhay. A man of many interests, marami siyang sinubukan at
inaral na mga bagay. Kapag naaliw siya sa isang bagay, gaya nalang ng pagluluto
at pagsasayaw, maghahanap siya ng video sa YouTube at aaralin ito. “I tried to
learn the dougie once. It was fun! I also tried DJ-ing, but I never had the
equipment for it so I just know it in theory.” Mahilig siya sa pag-perform,
kaya naman may experience din siya sa theater at ballet, pati na din paggaya ng
iba’t ibang accents.
Buo ang loob ni Paco na madali siyang
makaka-adjust sa mga ibang housemates. “Sa tingin ko, sa training ko, I can
communicate well. Marunong din naman akong makinig. I can make people laugh. I
think I’d get along well with smart people, someone who I can learn from. Also
those with a background in the arts. If they’re pretty, I’d love to get along
with them!” Aminado siyang weakness niya ang pagiging prangka sa pagsasalita at
dapat niyang ingatan na hindi maging presko sa pakikipag-usap sa mga kasama.
Nakikita niya ang sarili bilang entertainer, leader, o communicator ng grupo.
Kung hindi man, ok din namang house cook ang role niya, featuring his
specialty: beef stroganoff!
Bata pa lamang ay nakitaan na ng kahusayan si Paco sa pag-arte at siya ay pinag-aral ng kanyang ina sa isang drama school. May mga panahon mang nawalan si Paco ng gana sa pag-arte ay pinilit pa rin niyang makatapos sa high school. Kumuha siya ng computer engineering course sa kolehiyo at sa kanyang pag-graduate, ay ginamit niya ang kaalamang ito para siya ay magtayo ng sariling graphic design company. Sa kanyang kumpanyang ito nakilala ang babaeng nagpatibok ng kanyang puso.
Naging matagumpay si Paco ngunit kinalauna’y nagsuno-sunod ang naging dagok sa kanyang buhay. Taong 2008 ay pumanaw ang kanyang ama, bumagsak ang kanyang kumpanya at iniwan siya ng babaeng kanyang pinag-alayan ng oras at pagmamahal.
Naging depressed si Carlo at piniling magmukmok sa kanyang kwarto. Hindi rin nagtagal ay ginugol niya ang kanyang oras sa pagkuha ng kursong abogasya sa isang unibersidad sa Mindanao.
Tatlong taon na ang lumipas ngunit aminado siyang hindi pa tuluyang naghihilom ang sugat ng kanyang nakaraan. Mapawi kaya ang sakit at kalungkutang matagal nang dinaramdam ni Paco sa kanyang pagpasok sa Bahay ni Kuya?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento