Miyerkules, Pebrero 1, 2012



 

             
     Pamu, ang Kiti kiti kid ng Batangas       

                

Nickname: Pamu  
Name: Annielie Gerez Pamorada 
Birthplace: Lipa, Batangas 
Age: 19 years old 
Birthdate: August 1, 1992 
Hobbies: eating and singing 
Favorite Food: sinigangFavorite Show: Kristin, Tayong Dalawa, Mula sa Puso, Rosalka, Glee, Korean telenovelasFavorite Actress:Anne Curtis, Dimples Romana, Kaye Abad, Maricar Reyes, Jodi Sta. Maria 
Favorite Singer:Chris Brown, Nicki Minaj, LeeAnn Rimes, Mary J. Blige, Sarah Geronimo



Si Pamu, isang self-proclaimed “lukring”, ay isang proud promdi mula sa Batangas. Pangalawa sa tatlong magkakapatid, aminado si Pamu na mami-miss nya ang kanyang buong pamilya sa kanyang pagpasok sa Bahay ni Kuya, pati na rin ang kanyang mga kaibigan, lalo na ang kanilang paglabas para mag-“party”. Mahilig si Pamu makinig sa R&B music, kasama na ang mga kanta ng kanyang mga paboritong sina Chris Brown, Nicki Minaj at Mary J. Blige. Sa katunayan, madalas syang nagpapatugtog para siya ay makatulog.
Kampante si Pamu na madali niyang makakasundo ang kanyang mga housemate dahil sanay siyang makisama sa lahat ng klase ng tao. “Wala rin siyang uurungan sa mga hamon ni Kuya, maliban na lamang kung pakakainin siya ng exotic food o ang kanyang pinaka-ayaw na gulay, ang ampalaya. Kaya ring pakisamahan ni Pamu ang lahat ng kanyang mga magiging housemate, “makakasundo ko yung mga ka-level ko lang, probinsyano, bakla, foreign kahit hindi ako magaling mag-Ingles.”


Maagang nawalan ng ama na naging dahilan ng pakikipagsapalaran ng kanyang ina sa Dubai, si Pamu ay lumaki sa piling ng kanyang lolo’t lola at mga pinsan sa probinsya ng Batangas. Bagamat hindi lumaki sa piling ng kanyang ina, hindi ito naging hadlang kay Pamu upang lubusin ang kanyang buhay. Idinaan ni Pamu ang mga naging pagsubok sa kanyang buhay sa pagiging masayahin at madiskarte sa lahat ng bagay. Game sa lahat ng lakaran kasama ang kaniyang mga kaibigan kahit salat sa pera, bumabawi naman si Pamu sa pagiging galante sa kwentuhan.


Ilang beses mang napagkamalang tomboy dahil sa gaslaw niyang kumilos, aminado si Pamu na siya ay nagkaroon na ng dalawang boyfriend. Isang makulay na personalidad na may kasing-kulay na buhay, abangan ang sayang idudulot ni Pamu sa kanyang pamamalagi sa loob ng Bahay ni Kuya.







Nickname:Divine
Status:Current Housemate
Real Name:Divine Muego Maitland-Smith
Age:20
Birthdate:1991-03-09
Nationality:Filipino-British
Religion:atheist; believes in a higher power
Hobbies:going to the gym, hanging out with friends, drawing
Favorite Color:purple
Favorite Food:beef steak
Favorite Actress:Angelina Jolie
Favorite Singer:Usher








Divine Maithland-Smith is a 20-year-old Fil-British tattoo artist and sports enthusiast, who is not ashamed to say that she is a lesbian. At an early age, she already faced several challenges to prove her bravery for being a lesbian. Dubbed as the “Darling Dude of Cebu”


Divine, dubbed as “Ang Darling Dude ng Cebu”, has a British blood. She was born in Cebu which is why she knows how to speak Bisaya but finds it difficult to speak in Filipino. She may have a very angelic face but she has a very strong personality, exemplified by her 12 tattoos. Each of her tattoos symbolizes an important thing in her life.


She joined PBB not only to have fun but also to acquire some meaningful lessons in life that she could learn inside Kuya’s house. She knows how to do house chores.

She is brave in many aspects of her life but she has a fear for all kinds of insects. She frequently sings Justin Bieber’s songs but she hates Justin Bieber. Things in her life might be conflicting with each other but D always makes it work
When she was asked about the biggest misconception of people in lesbians, she said: "Lesbian shouldn’t be stereotyped in one genre."



Sa unang tingin pa lang, sakto ang tawag na Darling Dude kay D. Pinanganak sa Cebu pero may lahing British, magaling mag-Bisaya pero hirap sa Filipino, mala-anghel pero malakas ang dating.Ka-partner ng maamo niyang mukha ang 12 tattoo niya sa katawan. Bukod sa pagiging individual art, sinisimbolo ng bawat isa ang mga mahahalagang bahagi ng buhay niya.
“I just want to have fun,” dahilan ni D sa pagpasok sa PBB. Sa kabilang banda, habol niya rin ang life lessons na matututunan niya sa bahay. Sanay siya sa lahat ng gawaing bahay, pero takot siya sa lahat ng insekto. Madalas siyang pakantahin ng mga kanta ni Justin Bieber, pero ayaw naman niya si Justin Bieber. Hindi man mukhang magkatugma ang mga bagay-bagay sa kanya, for some reason, D makes it work.


Bukod sa mommy at ate niya na role model niya, mami-miss din ni D ang girlfriend niya of 6 months. Ganunpaman, excited si D sa mga haharapin bilang housemate. Sa mga dating housemates, gusto niya si Paul Jake dahil “he’s down to earth and very real. I learned a lot from him, I guess.”  Pala-ngiti, open-minded at understanding, wala siyang nakikitang magiging isyu sa mga kasama. “I like people who express themselves, but I also like people who are hard to open up. I think they’re interesting. I like everyone. I don’t really like angry people, then again, they’re angry for a reason. So I’ll understand them more.”



 





Nickname: Paco   Name: Philip Joel Lape Evangelista  Birthplace: General Santos City        Age: 26 years old  Birthdate: July 28, 1985   Hobbies: film makingFavorite Food: pasta    Favorite Show: So You Think You Can Dance, Cedie Ang Munting Prinsipe, Boston Legal      Favorite Actress: Natalie Portman, Meryl Streep, Cristine Reyes, Alessandra de Rossi, Eugene Domingo       Favorite Singer: Sting, Parokya ni Edgar, Eraserheads, Wolfgang, Jon Mayer, Urbandub




Isang theater actor, graphic designer at law student: ito si Paco, ang Hopeless Romantic ng Gen San.


I want to find myself.”
‘Yan ang priority ni Paco sa pagpasok ng bahay ni Kuya. Napansin niya kasi na lahat ng pumasok sa PBB, may sinasabing pagbabago sa sarili at sa buhay. A man of many interests, marami siyang sinubukan at inaral na mga bagay. Kapag naaliw siya sa isang bagay, gaya nalang ng pagluluto at pagsasayaw, maghahanap siya ng video sa YouTube at aaralin ito. “I tried to learn the dougie once. It was fun! I also tried DJ-ing, but I never had the equipment for it so I just know it in theory.” Mahilig siya sa pag-perform, kaya naman may experience din siya sa theater at ballet, pati na din paggaya ng iba’t ibang accents.
 Buo ang loob ni Paco na madali siyang makaka-adjust sa mga ibang housemates. “Sa tingin ko, sa training ko, I can communicate well. Marunong din naman akong makinig. I can make people laugh. I think I’d get along well with smart people, someone who I can learn from. Also those with a background in the arts. If they’re pretty, I’d love to get along with them!” Aminado siyang weakness niya ang pagiging prangka sa pagsasalita at dapat niyang ingatan na hindi maging presko sa pakikipag-usap sa mga kasama. Nakikita niya ang sarili bilang entertainer, leader, o communicator ng grupo. Kung hindi man, ok din namang house cook ang role niya, featuring his specialty: beef stroganoff!


Bata pa lamang ay nakitaan na ng kahusayan si Paco sa pag-arte at siya ay pinag-aral ng kanyang ina sa isang drama school. May mga panahon mang nawalan si Paco ng gana sa pag-arte ay pinilit pa rin niyang makatapos sa high school. Kumuha siya ng computer engineering course sa kolehiyo at sa kanyang pag-graduate, ay ginamit niya ang kaalamang ito para siya ay magtayo ng sariling graphic design company. Sa kanyang kumpanyang ito nakilala ang babaeng nagpatibok ng kanyang puso.

Naging matagumpay si Paco ngunit kinalauna’y nagsuno-sunod ang naging dagok sa kanyang buhay. Taong 2008 ay pumanaw ang kanyang ama, bumagsak ang kanyang kumpanya at iniwan siya ng babaeng kanyang pinag-alayan ng oras at pagmamahal.

Naging depressed si Carlo at piniling magmukmok sa kanyang kwarto. Hindi rin nagtagal ay ginugol niya ang kanyang oras sa pagkuha ng kursong abogasya sa isang unibersidad sa Mindanao.

Tatlong taon na ang lumipas ngunit aminado siyang hindi pa tuluyang naghihilom ang sugat ng kanyang nakaraan. Mapawi kaya ang sakit at kalungkutang matagal nang dinaramdam ni Paco sa kanyang pagpasok sa Bahay ni Kuya?











Nickname: Tin     Name: Anna Christine Conwi Patrimonio              Birthplace: Cainta, Rizal     Age: 20 years Birthdate: December 12, 1991     

Nationality: Filipino     Religion: Christian     Hobbies: watching movies, karaoke, going to the spa and beach    

Favorite Food: desserts, sweets     Favorite Show: Friends, Gossip Girl, Glee, Grey’s Anatomy     

Favorite Actress: Natalie Portman, Meryl Streep, Angelina Jolie        Favorite Singer: Selena Gomez, Demi Lovato, Chris Brown, Rihanna, Christian song



Malapit sa pamilya at sa kanyang 16 na aso (may mga Chihuahua, Great Dane, American Cocker Spaniel, Jack Russell, French Bulldog, at Whippet siya), mahiyain sa umpisa ang Captain’s Daughter ng Cainta. Pero gaya ng paborito niyang si Bella ng Twilight, matapos niyang maging observer, lalabas din ang bibo niyang personalidad.

Sumali si Tin sa PBB para sa bagong experience at para maka-meet ng iba’t ibang tao. Dahil isang seryosong athlete, homeschooled siya. Ganunpaman, pakiramdam ni Tin, “Kahit sino naman I’ll get along with, just not creepy ones, like those who stare all the time.” Sa simula pa lang, suportado na ng mommy ni Tin ang pagpasok niya sa bahay ni Kuya. Medyo nag-alangan ang daddy niya (ang basketbolistang si Alvin Patrimonio) pero sa huli, pinayagan din siya sa kanyang desisyon kasama ng paalala “to have no regrets and do your best”. Kung sa bagay, malaki din ang ipinagpalit ni Tin pra sa pagkakataong maging housemate. Sumasali siya ng competitions, at kung hindi dahil sa PBB, sa SEA Games sana ang tuloy niya bilang tennis player!



Last Sturday,,natikman ng mga housemate ang bagsik ni Kuya... isa sa mga tinukoy nyang may mga pagkukulang ay si Tin..wala nga ba talagang potensyal si Tin na maging isang leader??? Naglalaro lang ba talaga sha sa loob ng bahay?? Kilalanin si Tin!