Nickname: Pamu
Name: Annielie Gerez Pamorada
Birthplace: Lipa, Batangas
Age: 19 years old
Birthdate: August 1, 1992
Hobbies: eating and singing
Favorite Food: sinigangFavorite Show: Kristin, Tayong Dalawa, Mula sa Puso,
Rosalka, Glee, Korean telenovelasFavorite Actress:Anne Curtis, Dimples Romana, Kaye
Abad, Maricar Reyes, Jodi Sta. Maria
Favorite Singer:Chris Brown, Nicki Minaj, LeeAnn Rimes,
Mary J. Blige, Sarah Geronimo
Si Pamu, isang
self-proclaimed “lukring”, ay isang proud promdi mula sa Batangas. Pangalawa sa
tatlong magkakapatid, aminado si Pamu na mami-miss nya ang kanyang buong
pamilya sa kanyang pagpasok sa Bahay ni Kuya, pati na rin ang kanyang mga
kaibigan, lalo na ang kanilang paglabas para mag-“party”. Mahilig si Pamu
makinig sa R&B music, kasama na ang mga kanta ng kanyang mga paboritong
sina Chris Brown, Nicki Minaj at Mary J. Blige. Sa katunayan, madalas syang
nagpapatugtog para siya ay makatulog.
Kampante si Pamu na
madali niyang makakasundo ang kanyang mga housemate dahil sanay siyang makisama
sa lahat ng klase ng tao. “Wala rin siyang uurungan sa mga hamon ni Kuya,
maliban na lamang kung pakakainin siya ng exotic food o ang kanyang pinaka-ayaw
na gulay, ang ampalaya. Kaya ring pakisamahan ni Pamu ang lahat ng kanyang mga
magiging housemate, “makakasundo ko yung mga ka-level ko lang, probinsyano,
bakla, foreign kahit hindi ako magaling mag-Ingles.”
Maagang nawalan ng ama na naging dahilan ng pakikipagsapalaran
ng kanyang ina sa Dubai, si Pamu ay lumaki sa piling ng kanyang lolo’t lola at
mga pinsan sa probinsya ng Batangas. Bagamat hindi lumaki sa piling ng kanyang
ina, hindi ito naging hadlang kay Pamu upang lubusin ang kanyang buhay. Idinaan
ni Pamu ang mga naging pagsubok sa kanyang buhay sa pagiging masayahin at
madiskarte sa lahat ng bagay. Game sa lahat ng lakaran kasama ang kaniyang mga
kaibigan kahit salat sa pera, bumabawi naman si Pamu sa pagiging galante sa
kwentuhan.
Ilang beses mang napagkamalang tomboy dahil sa gaslaw niyang kumilos, aminado si Pamu na siya ay nagkaroon na ng dalawang boyfriend. Isang makulay na personalidad na may kasing-kulay na buhay, abangan ang sayang idudulot ni Pamu sa kanyang pamamalagi sa loob ng Bahay ni Kuya.